GIBO para sa mga GURO
March 11, 2022Bilang dating No. 1 Bar Topnotcher, at apo ng isang guro, ipinapangako ni dating Secretary of Defense Gibo Teodoro ang prayoridad sa Pilipinong edukasyon, ang mga guro na gumagabay dito, at ang papel ng mga ito para sa ating pangarap na ‘Bagong Pilipinas para sa ‘Bagong Henerasyon’.
BASAHIN: Second Pillar: Quality Education should be accessible to everyone
Sa kadahilanan na nasa harap ang Pilipinong kabataan sa tungkulin ng ‘Bagong Pilipinas para sa Bagong Henerasyon’, nais ni Gibo na unahin at bigyang insentibo ang ating mga kababayang guro sapagkat sila ay ang gabay at tagamulat ng kasalukuyan at ng susunod na henerasyon.
BASAHIN: GIBO for educational reform
Ipinapangako ni dating Secretary of Defense Gibo Teodoro na isusulong niya ang mga sumusunod na layunin sa pagkakataong maiupo siya ng ating sambayanan sa Senado:
- Ang pagtataas ng Sweldo at Benepisyo.
- Ang pagkakaroon ng Paniguro (Insurance) at Retirement Plan.
- Ang paniniguro ng tamang bilang ng mag-aaral sa klase.
- Ang pagbibigay ng oportunidad sa mga guro na ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.
- Makabago o modernong pagtuturo naaayon sa napapanahong teknolohiya.
Para kay Gibo, ang mga guro na’tin ay ang pangalawang magulang ng lahat ng Pilipino. Kaya’t nararapat lamang na lubos at puspusan ang suporta ng ating gobyerno sa kanila upang matupad nila ang kanilang mga layunin sa bansa ng buong-buo.
Bagong Pilipinas para sa Bagong Henerasyon: Isang BAGONG klase ng PAGBABAGO. Ito ang pangarap ni dating Defense Secretary Gibo Teodoro para sa Pilipinas, at para sa ating mga guro. SULONG para sa GURO – YAN ANG SULONG GIBO!
