DND Press Release: August 13, 2026

August 13, 2026

Statement

The law enforcement efforts against the Chinese nationals that are referred to in a recent report were done on the basis of search warrants issued by the proper courts. The individuals arrested by the authorities were the principals of these illegal enterprises. Chinese authorities stress the issue of the work visas and passports of these individuals while refusing to address the illegal activities that they perpetuated. This is an admission by them that indeed the acts of these individuals were illegal under Philippine law.

Filipinos in China have neither the intent nor the capacity to commit violations of Chinese law much less in the scale perpetuated by Chinese nationals here. The fact that the Chinese government is actively covering up for these individuals is the best evidence of their complicity in the nefarious acts of these people.

The action against 100 Filipinos is plain and simple extortion and blackmail. We strongly condemn both the attempt by China to interfere in our law enforcement processes and the blatant blackmail against Filipinos.

I reiterate that if these Chinese nationals were not involved in defrauding the Filipino people, which is now amplified by the cover up done by Chinese authorities, then they will be treated in the same way as other law abiding foreigners residing in the Philippines.

Gilberto C. Teodoro, Jr.
Secretary
Department of National Defense

 

Pahayag

Ang pagpapatupad ng batas laban sa ilang mamamayang Tsino na tinukoy sa isang ulat kamakailan ay isinagawa batay sa mga search warrant na inilabas ng ating hukuman. Ang mga inaresto ng mga awtoridad ay maituturing na pasimuno o principals ng mga ilegal na negosyong ito. Habang binibigyang-diin ng mga awtoridad ng Tsina ang isyu ng mga work visa at pasaporte ng mga indibidwal na ito, hindi naman nila nagagawang tugunan o sagutin ang mga ilegal na gawain ng mga indibidwal na ito. Ito ay isang pag-amin mula sa kanila na ang mga kilos ng mga indibidwal na ito ay katunayan na ilegal sa ilalim ng batas ng Pilipinas.

Ang mga Pilipino sa Tsina ay walang intensyon ni kakayahan na lumabag sa batas ng Tsina, lalo na sa antas na ginawa ng mga mamamayang Tsino rito sa atin. Ang katotohanang aktibong pinagtatakpan ng pamahalaan ng Tsina ang mga indibidwal na ito ang pinakamatibay na ebidensya ng kanilang pakikipagsabwatan sa mga masasamang gawain ng mga taong ito.

Ang aksyon laban sa 100 Pilipino ay malinaw at simpleng pangingikil at pambabraso (extortion at blackmail). Mariing kinokondena natin ang pagtatangka ng Tsina na manghimasok sa ating mga proseso ng pagpapatupad ng batas pati na rin ang hayag na pambabraso laban sa mga Pilipino.

Inuulit ko na kung ang mga mamamayang Tsinong ito ay hindi sangkot sa pandaraya sa mamamayang Pilipino—na mas pinalala pa ng pagtatakip na ginagawa ng mga awtoridad ng Tsina—ituturing sila sa parehong paraan tulad ng iba pang mga dayuhang naninirahan at sumusunod sa batas ng Pilipinas.

Gilberto C. Teodoro, Jr.

Kalihim
Kagawaran ng Tanggulang Pambansa

 

« Back to News