
GIBO SA ‘SARA ALL FOR YOU: EP. 7’, JANUARY 18, 2022
January 19, 2022Naging panauhin si Former Secretary of Defense Gibo Teodoro sa ‘Sara All For You Talk Show: Episode 7’ noong 11:30AM ng January 18, 2022.
Ang panayam na ito ay tumagal ng labing-limang minuto, kung saan ay tinalakay ng magkaibigan na sina Former Defense Secretary Gibo Teodoro, at Mayor “Inday” Sara Duterte ang mga usapin ukol sa pagpapalakas ng Information and Communications Technology (ICT), at Edukasyon. Kanila ring tinalakay ang mga natutunan ni Gibo sa pribadong sektor.
Strengthening of ICT
Mahalaga na palakasin ang ICT sa Pilipinas upang tayo ay makahanay sa ibang mga bansa sa ASEAN. Ani Gibo, kailangan ng kooperasyon mula sa pribadong sektor upang mapadali ang pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayang Pilipino. Giit pa ng dating Defense Secretary na kailangan magbigay ng pondo ang gobyerno sa research and development dahil naniniwala siya sa kakayahan ng mga Pilipino na lumikha ng makabagong teknolohiya.
Dekalidad na Edukasyon para sa lahat
Kabilang sa pagbibigay puhunan sa research and development ang pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon para sa mga Pilipino. “Kailangan ma revise ang content ng materials na tinuturo sa ating mga kabataan,” paliwanag ng dating NDCC Chairman kay Davao City Mayor Inday Sara.
Learnings from the Private Sector
“Customer service and quality client service. That’s why there is a need to strengthen the LGU kung saan sila ang first contact ng ating mga kababayan sa gobyerno.” pahayag ni Gibo nang siya ay tanungin tungkol sa kanyang mga natutunan sa pribadong sektor.
Ayon sa dating Defense Secretary, ito ay upang mas mapabilis pagtugon sa iba’t ibang sitwasyon na nananalaytay sa iba’t ibang lugar sa bansa. Kailangan rin daw na maglaan ng pondo ang gobyerno para emerging and disruptive technologies upang maprotektahan ang konpidensyal na impormasyon ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Amor: Gibo at Nikki
Pabiro naman na tinanong ni Mayor Inday Sara Duterte ang dating kongresista ng Tarlac kung ano ang kanyang sikreto sa pagligaw sa kanyang Amor na si Nikki Teodoro.
“2 Ps iyan. Persistence and Prayer. Nagpadasal ako sa mga madre na sana mapa-oo siya at magustuhan niya ako,” pahayag ni Gibo.
Sa pagtatapos ng kanilang panayam, pinuri ng co-host ni Mayor Sara na si Councilor Tek Ocampo si Gibo Teodoro. “You have my vote Senator Gibo Teodor. Matalino, bar topnotcher, experienced no question. Ability, credibility, and integrity. Tatak Gibo ‘yan,” sabi ni Councilor Tek.
“Talino, Husay at Kabaitan,” dagdag ni Mayor Sara Duterte
Panuorin ang buong panayam sa: https://www.facebook.com/MayorIndaySaraDuterteOfficial/videos/980071429587066/
