GIBO SA ‘DOS POR DOS’, JANUARY 20

January 24, 2022

Naging panauhin si dating Defense Secretary Gibo Teodoro sa DZRH News, ‘DOS POR DOS’ kasama si Gerry Baja noong 6:00PM ng January 20, 2022.

Ang panayam na ito ay tumagal ng halos pitong minuto, kung saan ay tinalakay nila ang mga usapin ukol sa ‘No Vax, No Ride’ policy, Pandemic Leave Bill, at Employee’s Compensation.

‘No Vax, No Ride’ Policy

Ayon kay former Secretary of Defense Gibo Teodoro, nararapat lang daw ang pagpapatupad ng ‘No Vax, No Ride’ policy dito sa Metro Manila. Ani niya’y sapagkat madami ang mga nagtatrabaho na’ting kababayan ang bumibiyahe sa loob ng Metro Manila, ngunit hindi dito naninirahan.

“Mayroon silang mga importanteng suliranin na kailangan ay ayusin, o asikasuhin dito,” ipinaliwanag ni Gibo. “Kaya’t nararapat lamang na atin itong gawan ng paraan. For example: Bus. Baka pwede na’tin gawan ng magkahiwalay na area ang mga bakunado, at mga hindi pa nababakunahan.”

Dagdag pa ng dating Secretary, na madami pa ang pamamaraan na maaari na’ting ipatalaga. Ani niya’y kailangan na’ting hanapin ang mga pamamaraan na tumu-tugma sa pag-aalaga ng kalusugan ng ating mamamayan, habang hindi nahahadlangan ang tuluyang pag-daloy ng ekonomiya ng ating bansa.

Pandemic Leave Bill

Bilang na mayroong kasalukuyan na problema ukol sa pagkakaroon ng ‘employees compensation’ ngayong pandemiya, tinanong ni Gerry Baja si dating Defense Secretary Gibo Teodoro ukol sa mga palagay niya sa isyu na ito. 

Ani ng mga kalakip dito ay nais daw nilang sa gobyerno manggaling ang ‘compensation’ na ito, at hindi sa ‘employer’. Kung saan ay sinagot naman ni Gibo Teodoro na sumasang-ayon daw siya sa ‘Pandemic Leave Bill’ na ito, sapagkat hindi kasalanan ng ating mga kababayang nagtatrabaho na magkaroon sila ng COVID. 

Ngunit, kailangan daw matandaan ng ating taong-bayan na sa pagkakataong magmula ito sa gobyerno, ito’y ibubuwis din sa’tin sapagkat uutangin ng gobyerno ito.

“Ang kinakailangan talaga dito, magkaroon tayo ng episyente na klase ng social insurance, at healthcare program,” ipinaliwanag ni dating Defense Secretary Gibo Teodoro. “Masusing pag-aaral, at wastong pag-gugol ng umiikot na pondo ang kailangan na’tin upang makamit ito – tulad sa ating mga ‘retirement funds’.”

Idinagdag pa ni Gibo na ito na ang pagkakataon upang kandiliin na’tin ang kooperasyon ng pribado at publikong sektor. Ani niya’y nararapat lamang na tayo’y mag-impok ng kontribusyon galing sa employer (ang pribadong sector) at ng gobyerno (ang publikong sektor), nang sa gayon ay magkakaroon tayo ng pondong pagkukunan sa mga ganitong klase ng kagipitan.

“Talagang tayo’y kakapusin, kailangan na’tin palaguin ang compensation, o kaya’y maghanap ng mga makabagong pamamaraan. Hindi na’tin inaasahang tumagal nang ganito ang pandemiya,” ani ni former Secretary of Defense Gibo Teodoro. “Usually, ‘injuries’ ang normally na tinutukoy diyan. Siguro, dapat din na’tin isama sa kahulugan ng ‘injuries’ ang mga sakit na mula sa pandemiya. ‘Yon sa tingin ko ang isa sa maaari na’ting gawin.”

Campaigning for Senator

Isa pa sa mga pinagusapan nina former Defense Secretary Gibo Teodoro at Gerry Baja ang kalagayan ng pangangampanya ni Gibo bilang Senador. Ani naman ni Gibo ay hindi sila masyadong nakakaikot, subalit mayroong lumalaganap na bagong variant ng COVID-19.

Sabi din niya’y siya ay nagkaroon na ng COVID-19 na mayroong mild symptoms noong Oktubre ng nakaraang taon.

“Ayaw na’tin ang mahawa – at lalong-lalo na – makahawa ng iba,” ani ng dating Secretary of Defense. “Kaya puro ‘virtual’, o sa internet na lamang ang aming pag-iikot.”

 

« Back to News