Gibo Teodoro, Pagpapakilala

Para Sa Bayan: Habangbuhay na Paglilingkod ni Gibo Teodoro

Araw ng Kapanganakan: June 14, 1964

Lugar ng Kapanganakan: Tarlac

Katayuang Sibil: May-asawa, ikinasal kay Monica Louise “Nikki” Prieto-Teodoro

Simula noong siya ay isang youth leader pa lamang hanggang sa naging abogado, hanggang sa nagsilbi ng tatlong termino bilang isang Miyembro ng Kongreso at napili bilang Kalihim ng Tanggulang Pambansa bago tumakbo bilang Presidente noong 2010, hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ni GILBERTO “GIBO” EDUARDO GERARDO COJUANCO TEODORO, JR. ang walang hangganang pagtatalaga sa pinaka ikabubuti ng Pilipinas at ng mga mamamayan nito. Nang matapos naman ang eleksyon noong 2010 ay nagsilbi siya bilang isang independent consultant at board member para sa mga pribadong kumpanya at inisyatiba.

 

EDUCATIONAL ATTAINMENT

  • Tinapos niya ang elementarya noong 1977, pati ang mataas na paaralan noong 1981 sa Xavier School.
  • Nakapagtapos sa De La Salle University Manila na may BS Degree in Commerce, Major in Financial Institutions noong 1984.
  • Nakamit ang Dean’s Medal for Academic Excellence noong 1989 bago makapag-top sa Philippine Bar Exam.
  • Tinapos ang kaniyang Master of Laws sa Harvard Law School bago pumasa sa New York State Bar noong 1997.
  • Bilang isang Reserbista ng Pangasiwaan ng Panlaang Kawal ng Hukbong Himpapawid, nakamit ni Gibo ang ranggo ng Koronel nang matapos niya ang ‘Command and Staff Course of the Philippine Air Force’ at ang ‘Joint and Combined Staff Officer Course of the Armed Forces of the Philippines’ kung saan ay nakamit niya ang Leadership Award sa dalawang kurso.

 

PERSONAL BACKGROUND

  • Ipinanganak sa Tarlac noong June 14, 1964, si Gilberto “Gibo” C. Teodoro, Jr. ay ang anak ng nangasiwa sa Paseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan noong 1966 hanggang 1986 na si Gilberto O. Teodoro at ng abogadang si Mercedes Cojuango-Teodoro.
  • Ikinasal si Gibo kay Louise “Nikki” Prieto-Teodoro, ang kasalukuyang Special Envoy of the President sa UNICEF at ang dating Representative of the First District of Tarlac na nangasiwa sa pagtataguyod ng Committee on Child Welfare bilang isang permanenteng lupon sa House of Representatives, kung saan ay pinangunahan niyang isulong ang mga batas na tumutugon sa kapakanan at proteksyon ng mga kabataang Pilipino. Bukod dito, bunga ng pagsasama ni Gibo at Nikki ang isang lalaking anak na nangangalang Jaime Gilberto.
  • Si Gibo ay isang lisensyadong komersyal na piloto at isang Koronel sa Pangasiwaan ng Panlaang Kawal ng Hukbong Himpapawid.
  • Siya ay pinsan ng yumaong presidente na si Benigno “Noynoy” Aquino III.
  • Isa siyang miyembro ng iba’t-ibang uri ng mga klub, at mga samahan sa Pilipinas at sa buong mundo.

 

GOVERNMENT EXPERIENCE

  • Inihalal muna siya bilang Pangulo ng Kabataang Barangay para sa Tarlac noong 1980 bago umangat sa pagiging Pangulo ng Kabataang Barangay para sa Central Luzon hanggang 1985, kung saan ang tungkulin niya ay ang organisahin, sanayin, at udyokin ang mga kabataan ng Region III upang mapahusay ang kanilang kamalayan pagdating sa pulitika at sibika.
  • Mula noong 1998 hanggang sa taong 2017, naglingkod siya bilang isang Kongresista, kung saan nagsilbi siya bilang Assistant Majority Leader at Deputy Minority Leader. Si Gibo ang pangunahing manunulat ng 106 na panukalang-batas katulad ng Securities Code of 2000, ang siyang nagpaloob ng transparency sa sistema ng Philippine Securities Regulation.
  • Sa Kongreso, pinangunahan at tinulungan ni Gibo ang pagsusulat ng higit sa 300 na panukalang-batas, na kung saan ay 65 ang pinahintulutan ng Lower House at isinumite sa Senado, na kung saan ay 6 ang ipinatupad bilang batas. Damay sa kanyang mga isinusulong na adbokasiyang para sa kaunlaran ng pambansang imprastraktura at interconnectivity, dalawa sa anim na batas na ipasasatupad ang nagbibigay ng prangkisa, habang isa naman ang tumututok ukol sa kalsada.
  • Sa murang edad na 43, ang pagtugon ni Gibo sa pagiging Kalihim ng Tanggulang Pambansa noong 2007 ay naging siya ang pinaka batang nagsilbi sa posisyon. Noong pinaglilingkuran niya pa ito, pinangalagahan niya ang modernisasyon at ang mga programang pang-reporma ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, at pinalakas ang bilateral at multilateral na kaligtasan, at ang mga defense cooperation na kasunduang kasama ang mga rehiyunal at internasyunal na kakampi ng bansa.
  • Bilang DND Secretary, naglingkod si Gibo bilang ex officio Chairman of the National Disaster Risk Reduction Management Council (dating kilala bilang National Disaster Coordinating Council), na mayroong pokus sa pagunlad ng organizational efficiency at sa pag bawas ng mga response time, base sa kaniyang mga pagsisikap na i-organisa ang mga relief effort sa iba’t-ibang dumating na sakuna, natural man o gawa ng tao, noong siya ang nakaupo. Isa din siya sa mga nagtaguyod ng pinaka-unang ARF Voluntary Demonstration of Response na kung saan ay 26 na bansa ang nakilahok sa mga aktibidades.

 

PRIVATE SECTOR EXPERIENCE

  • Mula noong 1987 hanggang 1997, nagtrabaho si Gibo sa Estelito Mendoza Law Office, kung saan hinasa siya ng dating Taga-usig Panlahat ng Pilipinas at Kalihim ng Katarungan na si Estelito P. Mendoza sa pamamagitan ng paghawak nila ng mga high-profile na kaso.
  • Bilang Chairman ng Suricon Resources Corporation, si Gibo ang nangasiwa sa paglipat nito mula sa pagmimina patungo sa pagiging isang property holding na kompaniya. Siya rin ang naging Chairman ng PNP Foundation Inc., isang pribadong pundasyon na may layuning tulungan ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa kanilang mga pagsisikap sa pagpapahusay ng kakayahan.
  • Si Mr. Teodoro din ay isang tanyag na tagapagsalita sa mga paksang ukol sa pambansang seguridad at pamamahalang pampubliko.

 

HONORS, AWARDS, AND DECORATIONS

  • Si Mr. Teodoro ay nakatanggap ng iba’t-ibang parangal at gantimpala na pang-sibilyan, pang-militar, at pang-edukasyon. Siya rin ang pinakaunang ginawaran ng Lehiyong Pandangal ng Pilipinas nang ranggo na Marangal na Komandante.

 

Add Comment