Statement of the SND on the clash with NPA in Batangas

December 17, 2023

Lubos na nakikiramay kami sa pamilya ng ating nasawi na bayaning kawal, na hindi ko pa puwedeng banggitin ang pangalan sa ngayon, sa isang engkwentro ng ating mga kasundaluhan mula sa 59th Infantry “Protector” Battalion ng Philippine Army, kasama ang Philippine Navy at Philippine Air Force laban sa mga armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Balayan, Batangas ngayong araw, December 17.

Tatlong sundalo rin ang nagtamo ng sugat sa nasabing engkwentro na nagresulta sa pagkamatay ng anim (6) na miyembro ng NPA, at pagkalap ng iba’t-ibang armas at mga subersibong dokumento.

Buong-puso tayong nagpapasalamat sa katapatan at kabayanihan ng ating mga sundalo upang ipagtanggol at pangalagaan ang bayan.

We are ensuring that our wounded soldiers will receive the best medical care, and provide all the necessary assistance to the family of our slain soldier during this difficult time.

Ang AFP ay palaging nakabantay at hindi titigil sa pagsugpo ng lahat ng teroristang grupo na nagdudulot ng kapahamakan sa ating bansa.

Gilberto C. Teodoro, Jr.
Secretary – Department of National Defense

« Back to News